Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Friday, October 15, 2010

Unrealistic

One toxic day, busy si Chichi sa trabaho. Friday kasi kaya kailangang magpakabait.


Sa kabila ng kaabalahan niya ay nagawa pang tumalon ng one feet and a half ang kanyang puso. Narinig kasi niya ang boses ni Goku who is approaching Bidel, her seatmate.

Goku: Bidel, pasulat naman.

Bidel: Eh?! Monthsary ninyo? Pang-ilang months na?

Goku: Seven months na. (with matching kamot sa ulo)

Bidel: Congratz!



Dahil nasa tabi-tabi lang, si Chichi ay tila nagkaroon ng mga naglalarong paruparo sa kanyang sikmura sa naging usapan ng dalawa. Pero wapakels siya.

Samantala, Goku approached Bulma, Chichi’s another seatmate. Sa gilid ng mga mata ng dalaga, nakita niyang nilagay ni Goku ang malaking sobre sa station nito.

Bulma: Seriously?!

Goku: Pasulat naman.

Bulma: Sure! Congratz sa inyo!

Goku: Hehe. Thank you.



After that, Goku went to Android 18’s station.

Goku: Android, pwedeng humingi ng favour?

Android 18: What is that, Goku?

Goku: (napakamot uli sa ulo) Ah, eh! Pasulat naman.

Android 18: Does that mean – ?

Goku: (tumango na nakangiti)

Android 18: (tumili. Napalingon pa si Chichi) OO naman. Congratz sa inyo!



After the commotion, bumalik na si Goku sa upuan niya.

Samantala, muli na namang nagulantang ang nanahimik na heartbeat ni Chichi dahil sa napakalakas na bop sound sa kanyang PC – indicating that someone sent her an IM.

Supersayan: ang tahimik mo ah..kanina ka pa

Chichi: tambak ang trabaho ko

Supersayan: pex ka kasi nang pex

Chichi: kakaadik eh

Supersayan: sana masaya ka diyan :)

Chichi: ano naman ang ibig sabihin nun?

Supersayan: wala lang :)

Chichi: ewan ko sa yo!

Supersayan: yan naman ang hirap sa yo eh :( di mo pansin ang mga efforts ko :(

Chichi: so emo ka ngayon :p

Supersayan: so, dinidilaan mo na lang ako >.<

Chichi: asus! feeling mo naman bagay sa yo magpacute! asaness! Bwahahaha!



Biglang naglog-out si Supersayan. Napalingon si Chichi sa likod niya since magkatalikuran lang naman sila ng station.

Chichi: Bakit ka nag-log out?

Goku: I’m busy.

Chichi: Okay then. (sabay walk out)



After fifteen minutes, dumating si Chichi. Lumapit siya sa station ni Goku.

Chichi: May nagpapabigay. (sabay balik sa station. Pasalamat pa siya na abala sa trabaho ang mga kasamahan.)

Muli, nakarinig siya ng bop sound.

Supersayan: so, ano ‘to? suhol?

Chichi: some kinda :p

Supersayan: at talagang inamin mo! lolz!

Chichi: happy monthsary baby! aywabyu <3


Home

No comments:

Post a Comment