Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Friday, October 15, 2010

One Rainy Day

Isang gabi, uwian na ng mga empleyado sa isang certain company...


Boy: Halika. Sabay na tayo.

Girl: Ha? Ahh..sige.

Boy: (natawa) Para ka na namang lost.

Girl: Ganon ba? Sorry. (Then may napansin) Umuulan pala. May dala kang payong?

Nilabas ni Boy ang kanyang paying. Then, lumabas na sila ng building. Nauna si Boy.

Barkada: Bye, Boy!

Sumunod si Girl. Nakayuko pa at medyo mahinhing pa-girl ang kanyang exit.

Barkada: Uuuuyyy! Bago yan ah!

Na-conscious naman si Girl. Ang ginawa niya ay nilabas niya ang kanyang payong na konti na lang, pwede nang i-donate sa junk shop. Kung napansin man ni Boy ang inakto ni Girl, who knows.

Girl: Raindrops are falling on my...umbrella! it’s colorless and odourless like water...ay! Water pala siya!

Boy: Adik ka talaga! (Then, pinaikot ni Boy ang kanyang payong. So, nabasa si Girl.)

Girl: Look who’s talking! (Ginaya ni Girl ang pagpapaikot sa payong.)

Ganun din ang ginawa ni Boy. Para silang mga engotz sa pedestrian. Buti na lamang at walang tao noon, kung hindi ay kanina pa siguro sila nabulyawan dahil sa kanilang kalokohan. Tumigil na lamang sila nang makarating sila sa sakayan. Nagkataon namang may bus na noon. Pero marami ang tao.

Girl: Tiyet! Wag sanang standing ovation. (Then may nakita pa siyang isang bus. Dumiretso sila doon.)

Siyempre, kasama niya si Boy kaya palingun-lingon siya. Baka kasi hindi sumunod sa kanya ito. Pero nasa likod naman pala niya ito. Yun nga lang, di talaga niya mapigilang lingunin. Ang bagal tuloy ng lakad niya.

Boy: Bilisan mo nga.

Girl: Opo master.


Home

No comments:

Post a Comment