Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Friday, October 15, 2010

A BokPok GraTish Oneshot

Isang gabing madilim, may isang dilag na may maamong mukha ang mag-isang naglalakad sa gitna ng kalsada.Ngunit ang kanyang mukha ay di maipinta.
Dilag: Hayuff na mga masyusyundang yun. Pulutan na naman ang alindog ko!
May nakitang lata ang dilag at na-eytsbi na naman.
Dilag: Bakit ba may lata dito! Hayuff! Nakaharang sa daan ng dyusa!
At sinipa ng dilag ang nanahimik na lata. Isang daang porsyentong lakas ang kanyang ginamit kaya lumipad ang kaawa-awang metal at pak!
Nanlaki ang mata ng dilag sa nasaksihan. Mukhang nakaaksidente pa siya! Agad niyang nilapitan ang nasaktang nilalang upang humingi ng tawad. Ang biktima ay isang matipunong binata. Mababakas ang inis sa mukha nito.
Binata: Ikaw ba ang nagbato ng lata? How irresponsible of you to do that! Pag nagka-brain damage ako, can you cover the expenses?
Nainis naman ang dilag sa tinuran ng binata.
Dilag: Hayuff ka! Kasalanan mo yang nangyari sa yo! Bakit ka kasi nakaharang sa dinadaanan ng lata! Impakto!
Binata: So, its my fault pa pala? I can't believe this!
Dilag: Talagang kasalanan mo!(ngunit sa isip ng dilag: Hayuff! Ang gwapo naman niya!)
May dumating na dalawang lasing...
Lasing 1: Brod, mukhang may away kayo ng syowta mo ah! Gushto mo, amin na lang.
Lasing 2: Kyaya nameng paamuhin yan! Pa-kish nga mish!
Kinilabutan ang dilag sa kanyang narinig. Di siya papayag na magiging trahedya ang kanyang pers kiss.
Binata: Actually, she's not -
Dilag: Pwede ba, wag kayong makialam sa amin! Mind your own bizniz!
Lasing 1: Aba! Palaban! Type!
Ang dilag ay tumingin sa binata at nakikiusap ang mga mata. Umangat naman ang kilay ng binata na tila nang-aasar pa.
Dilag: (bulong) Huwag mo akong ibibigay sa kanila. Hilp me!
Binata: Why would I want to help you?
Dilag: Plish! Pramis, kahit anong hilingin mo, gagawin ko.
Binata: Let me think about it.
Dilag: Hayuff ka! Mapapahamak na nga ako dito!
Binata: Mga pare ko, talaga bang gusto ninyo ang bubwit na to? Nangangagat to.
Lasing 2: Nangangagat din naman kami eh! Bwahahahaha!
Binata: O eto na(sabay hawak sa mga balikat ng dilag)
Dilag: Hay-
Lasing 2: Amin ka na magandang miss! Bwahahahaha!
Ngunit bago pa makuha ng mga lasing ang dilag ay agad na nilagay ng binata sa likod ang dilag. Sabay suntok sa isang lasing na nagbantang kumuha dito.
Lasing 1: Loko to ah!
Naganap ang isang action-pack na labanan. Siyempre, nanalo ang binata na tila magaling sa martial arts.
Dilag: Salamat.
Binata: I dont need your thanks. You owe me something.
Dilag: Hayuff to! Anong gusto mo?
Binata: I need your name and telephone number.
Dilag: Kompidinsyal yun!
Binata: You owe me something here, missy.
Dilag: Poknat.
Binata: What?
Dilag: Pangalan ko, chunga!
Binata: Nice to meet you. I'm Boknat, by the way.
Dilag: Bantot naman ng name mo!
Mayamaya ay kumalam ang sikmura ni Poknat. Natawa naman si Boknat.
Poknat: Hayuff ka, Impakto! Bakit mo ko pinagtatawanan? Masama bang-
Boknat: Come on. I'll treat you dinner.


Home

2 comments: