Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Monday, September 20, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 10

“So, Buddy, tell me what happened?”

“What happened saan?” Buddy innocently asked. We are on our way home.

“You know, when DD dragged you,” I said at siniko ko pa siya.

"Kumain lang kami ng fishball."
“That's it?”

“Ano naman ang mapapala ko if I will make stories?”

I shrugged. I cant tell Buddy that the dude will grab any opportunity just to be with her. She will not believe it. As far as she is concerned, once a relationship is finished, not even one percent of love for the involved ones will remain. Especially the love happened at a time when "once upon a time" exists.

“Will you staying at our house ba muna? Maaga pa naman.”

"Sure thing. Papaturo ako sa yo sa Math."


“Anak ng tokwa naman Pretchie! Sinabi na ngang bumili lang ng fish ball ni DD. Yun lang yun.”

“Pa detalye naman ng kwento mo.”

“Bakit ba bet na bet mong malaman?” Napailing pa si Buddy sa kalokohan ko. “May crush ka ba dun sa impaktong ‘yon?”

“Wala ha.” Buddy is thinking the unthinkable. “May hindi ka kinukwento sa akin. Bakit naghihinagpis ang mga chuwariwariwap girls? At ang sama ng tingin sa yo? Kaya magkwento ka na diyan.”

“Buddy, matagal nang lubog ang barko naming, anubeh?!”

"Wala akong binabanggit tungkol sa barko ninyo, Buddy. Gusto ko lang malaman ang buong kwento."
“Di pa ba kwento ang paulit-ulit kong sinasabi na bumili lang –”

“Editor-in-chief ka ng Press. Magdetalye ka diyan. At malalaman ko kung magme-make ka ng stories.”

Napabuntong hininga si Buddy. “All right, here it goes.”


When DD dragged MM...


“Ouch! Stop it!” Habang hinihila ni DD si MM ay hinahampas ito ng huli. At dahil mala-bakal ang kamay ni MM ay iniinda talaga niya iyon. “I can’t believe you’re a girl!”

Isa hampas sa balikat ang ganti ni MM.

“Ano bang drama mo at nilayo mo hinila mo ko ditey?” nakapamaywang na sabi ni MM. “You can ask me nicely kung bet mong bigyan ng space ang dalawang yun. You didn’t have to drag me like this.”

“All right, my fault! Happy?”

MM just glared at the boy next to him. Mababakas pa rin ang inis sa mukha nito.

Anak ng tokwa! Ang gwapo pa rin ng impaktong to kahit na namumula na sa inis? It’s unfair!

“What? Realized how handsome I am?” Nakangiti pa ang loko. Isang matinding hampas na naman sana ang makukuha ni DD kung hindi niya nasalo ang kamay nito. “Not another one, MM.”

But of course, our stubborn heroine won’t hear it. So with her free hand, she tried to hit our hero but to no avail.

“Bitiwan mo ako, hayuff!”

Nakakalokong umiling naman ang lalaki. Parang nang-aasar pa na hinila si MM palapit dito.

“King, what’s that?” tila nanonood ng horror film na tili ng isang babae. Nagsimula na ring magsigayahan dito ang mga kasamahan nitong babae. Ang mga lalaki naman ay nakangisi lamang at nag-cheer pa.

“Nice move, DD!”

“Halikan mo na!”

“No, king! Please!”

“D-DD, making ka sa sinasabi ng mga fans mo.”

“Na halikan kita? Why not?”

“Lagot ka sa akin pag ginawa mo yan!”

“Wala nang kawala yan, DD!” sulsol ng isang lalaki. Pinandilatan ito ng MM.

“Halikan mo na, tol!”

Unti-unti, inilapit ni DD ang mukha niya sa mukha ng babae sa kanyang mga bisig. Nanlalaki ang mga ito at pilit na nilalayo ang mukha nito. Tuloy naman ang cheer ng mga walang magawang estudyante. Ang mga babae ay nag-iinarte na’t tumitili ng “Huwag!”

Simply pretty. Just this once.

And he moved his face closer to hers.


Home
Previous
Next

4 comments:

  1. next chap. po please? kilig much. :">

    ReplyDelete
  2. wehehe, kahit ako nabitin nung sinusulat ko yan..kinulang sa oras:mecry:

    at magpakilala kayo haha

    ReplyDelete
  3. syet! hindi ako makahinga! grabee lhee! i sooo labit!

    ReplyDelete