Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Wednesday, September 22, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 11

“H-hayuff, wag mo itutuloy yan! B-bitiwan mo ko kung ayaw mong masaktan!”

But the young man just moved closer. He was even smiling naughtily.

Hayuff! Mukhang itutuloy nga! What to do? What to do?

MM tried to get away for the last. But the arms holding her are too strong for her to fight with. She is starting to feel helpless.

Her eyes widened as the distance between them is becoming zero. She tightly closed her eyes as her heartbeat continues to speed up, losing control. She can actually hear her own heartbeat.

“You’re cute.” She heard him say that as she felt something at the tip of her nose. It is almost like the gentle breeze in the sea.

“Naks, parang koreanovela lang ah. I-piggy ride mo na rin, pare.” Nagpalakpakan pa ang mga ito.

Tiningnan lang ni MM nang masama ang mga ito at inapakan si DD. Napa-aray naman ang huli at nabitiwan nito ang una. And then, nag walk out si MM sa scene.


“Hey, flirt! What’s with that scene a while ago?” Biglang kinorner ng tatlong babae na pwede na animo mga clowns sa kapal ng make up. Sa CR siya pumunta dahil alam niyang susundan siya ni DD.

“Ano sa tingin ninyo?” sarkastikong banat niya sa mga ito.

“Aba at sumasagot ka pa, ha!” SInampal pa siya nito.

“Anak ng tokwa! Ang sakit nun ah!” Totoo iyon. Namanhid ang kaliwang pisngi niya.

“You deserve it!”

“Anong “you deserve it ”, bruha ka?! Sisihin ninyo ang mga lintek na lalaking andun, huwag ako.”

“Obvious naman na feel na feel mo ang scene ninyo kanina eh.”

“Ang landi mo. Flirt na nga, ang landi pa.”

Natawa si MM nang malakas.

“Anong nakakatawa?” sikmat sa kanya ng tatlo.

“Kayo. Hindi na nga kayo marunong mag-make up, halatang ang babaw pa ng vocabulary ninyo.” Nanlaki ang mga mata ng mga ito. “Ang English po ng malandi ay flirt. Ang tagalog po ng flirt ay malandi. Gets?”

“Why you!” Hinatak ng isa ang buhok niya. Pinigilan naman niya ang kamay nito at padaskol na tinanggal iyon sa pagkakasabunot sa kanya. Ngunit ang dalawang back up naman ang sumabunot sa kanya. Sinuntok pa siya ng isa sa sikmura kaya napasigaw siya.

Lumaban siya, siyempre. Pero anong laban niya sa tatlong babae na sinaniban na ata?

Nagulat na lamang siya nang maramdamang lumayo ang mga ito sa kanya. At may mga kamay na lumapat sa kanyang balikat.

“Are you okay?” Kahit hindi niya lingunin, alam niyang si DD ang lalaki.

“King, let us explain.”

“Leave.” His tone is dangerously low.

“But King – ”

“I said leave! Before I forget you’re girls.”

Nahintatakutang umalis ang tatlo.

“Let’s go to the clinic.” At iginiya siya nito palabas.


“Nasa CR ka ng mga babae kanina.” Ang tahimik kasi nilang dalawa habang naglalakad. At naiilang siya.

“Pagkatapos mong masaktan, yan lang ang iko-comment mo?! Damn it, Maya! It could have been worse!”

“At sino naman ang nagsabing magpapatalo ako sa basagan ng mukha sa mga yon?”

Marahas na napabuga ng hangin si DD.

“I’m sorry, MM.”

“You should. Di naman magkakaganun ang mga ‘yun kung di ka gumawa ng eksena kanina.”

Naramdaman na lamang niya ang mga bisig nitong yumakap sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang galit at guilt sa mukha nito. Galit dahil sa ginawa ng mga fans nito at guilt dahil marahil sa nangyari sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya. Buti na lamang at walang dumaraang tao sa kanilang nilalakaran. Kung hindi ay eksena na naman ito.

“DD.”

“Yes.”

“Libre mo na lang akong fish ball.” She showed him her best smile. Nang nakangiti itong tumango ay lalong tumamis ang kanyang mga ngiti.

Mission accomplished, MM.


Home
Previous
Next

4 comments: