Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Sunday, September 26, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 14

“Pwede ninyo na kaming ibaba.” Tumikhim pa si Buddy bago sabihin ang sentence na iyon. Agad naman akong binaba ni Blet. Akmang ibaba na ni DD si Buddy nang makitang hinahabol pala sila ng mga alipores ni Carl. Ang hayuff na triceratops ay mukhang hingal na hingal na. LOL.

“Anak ng tokwa! Hinahabol pala tayo ng mga yan!”

“Let’s keep on running!” Blet said and held my hand. So we ran in the hallway.


“Oh my Gosh! It seems that the rumour is true! I can’t take it!”

“Me too! Our beloved king is taken away?” And the girl, sobbed?

“I can’t breathe!”

“I think I’m gonna die! Seriously guys!”

“Ampotek naman! Huwag nga kayong mag-inarte diyan!”

“Kakakulili sa tainga!”

That was the reaction of the class when we finally reached our classroom. With – ehem – DD still carrying MM.

“Sinabi nang ibaba mo ko eh!”

“I will. Just wait, okay?”

“Hindi ka na nahiya kay Miss Kris!” Napasinghap, hindi lamang si DD nang hampasin ito nang malakas ni Buddy. Pati ang buong klase ay naki-join.

“That hurt!” Nagreklamo muna ito bago bumaling kay Miss Kris. “Miss Kris, I am humbly asking your permission to speak in front of your class. Will you let me?”

Miss Kris crossed her arms and nodded. Naghiyawan naman ang klase sa pagpayag ng cool na teacher.

Pumunta naman sa harap si DD – still carrying my Buddy. He is actually too strong for his appearance.

“Hoy! Huwag mo nga akong isama sa kalokohan mo, Dean Daniel! Ibaba mo na ako.”

“One minute, Maya.” Iyon lang at bumaling ito sa “audience” nito na animo SONA ang pakikinggan at naka-focus pa.

“I know that you are all wondering why I am carrying Maya Soriano in my arms. Well, the reason is quite simple. Because this girl who is constantly hitting me and calling me “hayuff” or “impakto” is my princess. And I am her lowly servant.” The whole class gasp. “I, Dean Daniel Lopez, vow to protect this princess with all my power and if anyone dare to hurt her – even a single strand of her hair – I will be your worst enemy.”

“Naks! Parang wedding vow lang!” kantiyaw ng isa naming kaklaseng lalaki.

“May meeting-the-parents na ba?” SInundan uli iyon ng kantiyaw. Ang mga chuwariwariwap ay nakatulala. Marahil ay dahil sa OA na pagka-shock ng mga ito.

“Tumigil nga kayo diyan!” saway ni Buddy sa mga nanunukso. “At ikaw naman, Dean Daniel, baka pwede mo na akong ibaba? Tapos na siguro ang korni mong palabas.”

Natatawang binaba ito ni DD.

“Uuuuyy, ang editor-in-chief, nagbaba-blas!” kantiyaw ni Kyra, isa sa mga staff ng Press. Pinandilatan ito ni Buddy. Ako naman ay nag-thumbs up sign sa kanya.

“Buddy!”

“Magkaka-kras uli yan! Ayee!” At nangisay pa talaga ang Class President na si Joe. Pinagdikit pa nito ang mga kamay, impersonating a lips-to-lips kiss using his hands.

“Papa bear!”

At ang mga adik naming classmates ay kumanta ng "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal!" (AN: Churi naman! Yan ang uso noong panahon ko. Haha!)

"Class! Tama na yan!" saway ni Miss Kris. Natahimik naman ang klase. Bumaling ang guro kina DD at Blet.

“Tama na ang panliligaw, Mr. Lopez. Pumunta na kayo sa klase ninyo ni Mr. Honrado,” Miss Kris said smiling. “Maya, Precious, go to your seats. We will start our class.”

“Yes, ma’am.”


Home
Previous
Next

2 comments:

  1. waaaaaahh!! nakaktuwa tong chap na to!!! infairness sayo updated ang chapters!!
    kinileeeeeeeg naman ako kay dd at talagang nag sona pa ito!!

    sige, next chap na ha!!:)
    JJ7 HERE..

    ReplyDelete