Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Tuesday, September 28, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 15

“Don’t start!” agad na deklara ni Buddy nang magpuntahan kami sa lugar niya nang matapos ang klase.

“Mag-umpisa saan?” nakangiting tanong ni Shey. “Magpapaturo lang naman ako sa ‘yo sa Physics.”

“Tigilan mo ko, Mother Shey.” Buddy pouted. “Sa akin ka pa magpapaturo diyan eh mas magaling ka sa akin sa subject na yan.”

“Ay, sa English pala.” Tiningnan lang ito nang masama ni Buddy. Natawa naman kami sa reaksyon niya.

“I can’t believe you guys!”

“Ang ehem, “lowly servant” mo ang hindi namin kineri. Takte! Nag-oral declamation pa sa harap ng buong klase,” kinikilig pang sabi ni Kyra. Parang ito actually ang leading lady ni DD kanina dahil hindi na ata matatanggal ang ngiti nito sa mga labi with matching sparkling eyes.

“Tumigil ka nga diyan!” Natawa na lang kami ni Mother Shey nang hilahin ni Buddy ang buhok ni Kyra. “Mukha kang tard sa pinagkikilos mo.”

“Ang KJ mo talaga!”

“Hayaan mo na, Kyra-tot, inlababo ang editor-in-chief mo.”

“In love nga, lalo namang naging bayolente,” nakasimangot na inayos nito ang buhok. “Buti sana kung iyong tipong hindi lang makatulog, hindi makakain – ”

“Tigihawat sa ilong, pati na sa pisngi!” Kinanta namin ni Shey ang part na hindi na nasabi ni Kyra. Nagkatawanan na lamang kami uli.

“Mga baliw!”

Muli kaming nagtawanan nang mag-walk out si Buddy.

“Uuuuuuyyyyy, makikipagkita ang prinsesa sa kanyang alipin!” Nag-high five sina Shey at Kyra nang maarinig ang pang-aasar na iyon ni Eslove, ang isa sa pinakamakulit sa aming classroom.

“Magpapabuhat siya uli!” SI Yong iyon, ang barkada ni Eslove. “Nabitin kasi!”

“Tigilan ninyo nga akong lahat!” Sa inis ay napapadyak pa si MM. Binalingan nito ang mga chuwariwariwap girls. “Hindi ninyo ba aawayin ang mga hayuff na to? Di ba, possessive kayo sa mahal ninyong hari?”

Tiningnan ito nang masama ng isa sa mga babae sa grupo.

“Do you have to put salt on the wound?” Napaungol si Buddy nang magngangawa ang mga ito. Lumapit ang mga kalalakihan sa mga ito.

“Huwag na kayong umiyak.”

“Oo nga! Andito naman kami, eh!”

“At ano naman ang gagawin naming sa inyo?” sikmat ng isa. “Hindi kayo ka-level ni King para pag-alayan namin ng devotion.”

“That is so true!”

“Ampotek naman! May pinili na ang mahal ninyong hari!”

“Move on! Kami na lang ang pag-aksayahan ninyo ng panahon.”

“Shaddap!” Bumaling ang mga it okay Buddy. “You better take care of our King.”

“Anak ng tokwa! Tigilan ninyo nga ako sa kadramahan ninyo.” Iyon lang at nag-walk out na nang tuluyan si Buddy.

“Talaga bang manhid ang kaibigan mo, Pretchie?” Shey rolled her eyes.

“Kaibigan ko lang ba yan? Kaibigan mo rin yan.”


“Hello everybody!” Napatingin ang buong klase nang makita ang pinsan ni MM na si Lyan. Tapos na ang kadramahan ng mga chuwariwariwap girls ngunit wala pa rin si Buddy.

“Nag-walk out at sinundan ata ang alipin niya.”

“Alipin? What alipin?”

Natawa na lamang ang buong klase.

“What’s funny? I’m just asking and you laugh.” Napakamot pa ito sa ulo. “You are crazy. All of you!”

Lalong natawa ang buong klase. Lyan looked really clueless.

“Ano bang sadya mo kay Buddy?” I asked him. Lumapit na ako sa kanya. Sumunod naman sina Kyra at Shey. So, iyon. Para kaming nag-meeting sa may pinto.

“Love letter? Totoo ba ito?!” gulat na sabi nina Shey at Kyra.

“Nalaman mo na kung sino?”

“The truth is,” naiiling na sabi ni Lyan. “I can’t trace whoever the sender is.”


Home
Previous
Next

4 comments:

  1. hahais :)) chapter 16 napoooo :)) plsss . this fanfic can make me laugh :))

    ReplyDelete
  2. may tanong po ako kung C DD ang totoong pangalan nya ay Dean Daniel ano naman yun kay MM ay Maya eh san ung isang M

    ReplyDelete
  3. Maya Maldita ung ibig sabihin ng MM hehe..pang-asar lang na naging palayaw :p

    ReplyDelete