Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Thursday, September 23, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 12

“You should tell the incident to the principal,” ani DD. Hawak nila ang kani-kanilang mga fish ball. Napa-roll eyes lang si MM.

“I don’t think that’s a good idea. Mainit ang mga mata sa akin ni Mrs. DImaculangan dahil binasted ko ang junakis niya.”

“Who? Carl?”

“May iba pa bang anak ng principal dito?”

“Nabugbog ka na’t lahat ang lakas mo pa ring mambara.”

“I can manage kahit na hindi ka dumating sa eksena.”

“Yeah right,” sarkastikong sabi nito. “Kaya pala ikaw ang sumigaw.”

“Ikaw kaya ang suntukin sa sikmura?” pasikmat na tanong ni MM. Nanlaki naman ang mga mata ng kausap. Napataas tuloy ang kilay ng dalagita. “Bakit? Ngayon mo lang nalaman na war freak ang mga fans mo?”

Hindi sumagot ang lalaki. Nagtagis lamang ang mga bagang nito.

“Anak ng tokwa naman!” sabay hampas sa likod ni DD. “What’s with the look? Parang ikaw ang nasaktan ah. Huwag mo akong intindihin. Hindi ako damsel in distress.”

Ngunit tiningnan lamang siya ni DD.

“Bakit ganyan ka makatingin? Nasikmuraan lang ako, Dean Daniel. Hindi nabaldado.”

“Still, you got hurt. And they have to pay for it.” Nanlaki ang mga mata ni MM sa pinapahiwatig ng kausap. Alam niya ang pwede nitong gawin.

“Alam ko ang gusto mong gawin. Ako na ang nagsasabi sa ‘yo. Ayos lang ako. No need to worry.”

“I can’t help it,” sabi nito habang nakatingin sa view. Napangiti lamang ang dalagita. That line felt like something warm caressed her heart.

“Thanks.” Then she kissed him on the cheek. She can’t help it. She felt his concern.

Lumingon si DD sa kanya.

“Don’t worry, I’ll never gonna let it happen again.”


“Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh! Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!”

Oh my God! I knew it! I knew it! Something major happened that moment. MM is not making stories. I know my Buddy well. Kapag nagkwento siya – orally – she’s unstoppable.

“Anong nangyari?” Worried na pumasok ang ina ni Buddy na si Tita Lyn sa kwarto. Nahimasmasan naman ako. Buddy glared at me.

“Gutom na po si Buddy, Ma. Alam ninyo naman yan, parang may tililing lang pag gutom.”

“S-sorry po, tita.”

Napailing lamang si Tita Lyn.

“Kayo talagang mga kabataan ngayon. O siya, ipapanhik ko na lang ang meryenda ninyo. Saglit lang.”

Pagkaalis ni Tita Lyn ay binatukan ako ni Buddy.

“Ang sakit naman nun.”

“E bakit ka kasi tumili. Dinaig mo pa ang mga chuwariwariwap ng impakto.”

“”At nagagawa mo pang tawagin siyang impakto pagkatapos ninyong mag-moment?”

“Anong moment ang pinagsasabi mo, Buddy? Hay, gutom ka na nga siguro.”

“Don’t worry, I’ll never gonna let it happen again,” pag-uulit ko sa statement ng “impakto” sabay siko nang marahan kay Buddy.

“Mag-aral na nga lang tayo.”


Home
Previous
Next

5 comments:

  1. syet! sabi na nga ba dapat nagantay ako ng next chapter ulet bago ko binasa! grabeee! sobra kang mambitin lhee! nakakaloka! hahahaha

    ReplyDelete
  2. tyit lheeeeeeeeeee anu ba master mo na talaga paano mambitin...next chapter na
    tyit,ano kaya gagawin ni dd dun sa mga chiwariwap girls na yon....kainis
    more chapters pa lhee

    -blue

    ReplyDelete
  3. akala ko pa naman, di na siya bitin..nyahahaha! thanks for reading at pasensya na kung hayok sa comments ang baliw na writer nito..bwahahaha!

    ReplyDelete
  4. oh tiyet lheebag..makita mo pa kaya comments ko?hahah..

    masyado na atang huli..hahah

    ReplyDelete
  5. ngayon ko lang nakita ate lav :)
    wahahahaha!!

    ReplyDelete