Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Friday, October 8, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 19

"Pretchie, ikaw nga umamin sa akin, sina MM at DD na ba uli?" tanong ni Shey nang makapunta kaming lahat sa puno ng mangga.

"Oo nga, sila na ba uli?"

"Bakit ako ang tinatanong ninyo? Ako ba si Buddy?"

"Ikaw ang madalas na kasama ng malditang 'yan eh. Saka as if naman alam namin kung kelan nagsisinungaling ang babaeng yan eh ikaw lang naman ang may kakayahang basahin ang nasa isip niyan."

"Aba at mind reader na rin pala ang kagandahan ko!"

"Ano? Sila na ba uli?"

"Feeling ko, MU ang dalawang 'yan. If you notice, lagi na lang may moment tuwing magkasama."

"Excuse me, andito po ako."

"Uy, andiyan pala si Maya!"

"Akalain mo 'yun?"

"Ang OA ninyong dalawa," nakairap na sabi ni Buddy. Ako naman ay natawa lang. "Saka bakit ako na naman ba ang pulutan ditey? Akala ko ba, ang lovelife nina Kuya Kean at Ma'am Alex ang aatupagin natin. Di ba nga, lumayo tayo sa mga feeling-di-tsismoso na sina Yong para doon? Remember?"

"Sorry naman, MM," ani Kyra. "Yung boylet mo kasi, bumanat na naman. Nabitin ata sa holding hands."

"Napansin kasi ni Kuya Kean," pag-ayon naman ni Shey. Si Buddy ay marahas na napabuntonghininga na lamang.

"You guys are hopeless." Then, bumaling sa akin si Buddy. "Buddy, ikaw ang may bionic ears at laser eyes sa atin. Anong napansin mo sa mga teachers natin kanina."

"May sulyapang naganap."

"Pareho tayo ng napansin, Buddy. More on Kuya Kean, no?"

I nodded. "Alam mo 'yung time na pinagde-decide ka nila? Lahat kaya naka-focus sa 'yo maliban kay Kuya Kean. Nakatingin siya kay Ma'am Alex."

"Uy, Precious, totoo ba yang sinasabi mo?" shocked na tanong ni Kyra. "Hindi ko nakita ang moment na 'yun!"

"Paano mong makikita e, nagbabatukan kayo ni Yong?"

"Ang lufet mo, Buddy! Nakita mo rin 'yun?"

I just laughed. "I just happen to be at the right position."

"At si Ma'am Alex, pansin ko lang, parang ang dali niyang mairita kay Kuya Kean," sabi ni Buddy.

"Malamang, obvious naman na inaasar natin siya kanina debah?"

"Mother Shey, hindi lang doon," sabi ni Buddy. "Kahit sa ibang pagkakataong magkasama sila. Gaya nung last faculty meeting, pati na rin nung sa field trip natin. Lagi na lang niyang tinitingnan ito nang masama."

"At bakit hindi ko rin alam 'yan?"

"Busy ka kasi sa pakikipagbasagan kay Yong," sabay naming sagot ni Buddy.

"Ewan ko ba naman kasi sa dalawang 'yan," sabi ni Shey. "Lagi ngang magkasama pero ang bilis namang uminit ang ulo sa isa't isa."

"Parang 'yung isang loveteam na kilala ko," pasaring ni Kyra. Obviously, it's for Buddy.

"Iyong loveteam na sinasabi mo, sila man o hindi, lagi namang nagbabasagan. E kayo ni Yong, baka naging kayo pala, nakalimutan mo lang i-chika sa amin."

"Duh?! Pwede ba? Papatulan ko na ang isang gremlin but not Yong."

"Okay, sabi mo eh." Sabay naming sabi nina Buddy at Shey.

"Balik tayo sa topic," inis na sabi ni Kyra. Nagtawanan lang kami. "Bakit kaya ganun ang pakikitungo nila sa isa't isa? Mag-ex kaya?"

"Tingnan ko kung may makikita akong ebidens sa bahay."


"Siguro naman tapos na ninyong pagtsismisan ang mga teachers natin?" Nagulat na lang kami nang biglang dumating ang mga boys. Iba na actually ang topic namin.

"Bakit kayo nandito? No boys allowed!" deklara ni Kyra.

"Eto kasing pinagnanasaan mong si Lyan, hinahanap ang pinsan niya," sabi ni Yong sabay akbay kay Lyan.

"Huwag kang magsimula diyang panget ka!"

"Who's panget?" tanong ni Lyan. "Me?"

"Huwag ka nang makiepal sa love birds, pinsan," ani Buddy at tumayo. "Una na kami. Buddy, tambay ka sa 'min?"

"Oo naman." Tumayo na rin ako.

"Sama din kami!"

"Can I join as well?" tanong ni DD.

"Oo naman," sagot ni Buddy. Nang muli sana manunukso sina Papa Bear, Eslove at Yong ay pinandilatan ang mga ito ni Buddy.


Home
Previous
Next

No comments:

Post a Comment