Announcement

Hey there! Wanna get the latest updates straight from Devon herself?

You can now by typing DEVON ON
and send it to 2366.
Keep on supporting, guys! Thanks!

Monday, October 4, 2010

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 18

"Wala ba talagang magsasalita sa inyo kung bakit nakikinig kayo sa usapan namin ng Ma'am Alex ninyo?" Palakad-lakad pa si Kuya/Sir Kean sa harapan namin. Kami naman ay nakayuko lang.

"So, kapag nahuhuli kayo sa mga kalokohan ninyo eh daig ninyo pa ang maamong tupa?" Sir Kean crossed his arms and look at us one by one. "Speak up, kids!"

Promise, parang kulog ang boses niya sa sobrang lakas niyon. Lahat kami actually napaigtad. Even Ma'am Alex.

"Mr. Villanueva, huwag mong takutin ang mga bata," mahinahong sabi ng Press Adviser. Pagkuwa'y binalingan niya kami. "Guys, speak up."

"Buddy." Siniko ko si Buddy na siniko naman si DD.

"Magsisikuhan na lang ba kayo diyan? Maya."

"Bakit ako?" nakasimangot na tanong ni Buddy.

"Wala ka sa bahay, Maya. Huwag kang sumimangot," banta ni Sir Kean kay Buddy. Agad naman nitong inayos ang mukha nito.

Napabuntong-hininga uli si Sir Kean.

"K-Kasi naman, Kuya - ah - este sir Kean, gusto lang naming malaman kung bakit na-cancel ang practice namin ni Blet. Si DD, dito kami dinala." Napakamot sa baba si Buddy. "And when we are going to knock na, we heard you mentioning my name."

"Kaya nakinig kayo," pagko-conclude ni Ma'am Alex. Tumango lang kami.

"Alex, tutal andito na rin si Maya, pwede siguro natin siyang tanungin kung gusto ba talaga niyang sumali sa singing contest."

"That's unfair!"

"At bakit naman siya magiging unfair? Come on, Alex."

"Sir Kean, Ma'am Alex, pwede pong magtanong." Nagtaas pa talaga ng kamay si Shey. Tiningnan ito ng dalawang guro at naghintay sa sasabihin niya. Maging kami ay nag-abang. Shey always asks sensible questions. "Bakit po ang formal ni Ma'am Alex sa inyo sir, samantalang kayo po, "Alex" lang ang tawag sa kanya?"

Nag-apiran ang mga lalaki na agad namang tiningnan nang masama ni Ma'am Alex. Kami namang girls ay nagkatinginan. Poker face lang si Sir Kean.

"Bakit hindi ninyo itanong sa Ma'am Alex ninyo?"

"Bakit nga ba, Ma'am Alex?"

"Ginigisa mo ba ako sa mga estudyante natin, Mr. Villanueva?" Tinaasan pa nito ng kilay ang lalaking guro na ngumisi lamang at itinaas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko sa mga alagad ng batas. Marahas na huminga si Ma'am Alex na bumaling kay MM.

"Maya, kaya mo ba? Remember, malapit na naman ang deadline sa Press. Walang pwedeng humalili sa iyo bilang pansamantalang editor-in-chief."

"Hindi po ba pwedeng si Kyra na lang."

"Bakit naman ang kagandahan ko?" agad na angal ni Kyra. "Sa feature section ako. Hindi carry ng powers ko ang ediorial, anubeh?!"

"Buddy?" Tumingin si Buddy sa akin na tila humihingi ng saklolo.

"Buddy, marami rin akong load para sa Press," I said. "Mga pasaway pa ang mga team members ko sa editorial team."

Napabuntong-hininga na lamang si Buddy. Marami naman kasi talagang work load sa Press dahil sa dami ng mga events this grading period.

"Maya, you've always wanted to sing, diba?" Lyan said. "It's your chance."

"You have the voice, MM," pangungumbinsi na rin ni Papa Bear. "And besides, iisa lang naman ang bahay ninyo ni sir Kean."

"And we can always reschedule."

"Kakayanin ko po siya, ma'am Alex."

Nakita kong tiningnan nang masama ni ma'am Alex ang nakangising si sir Kean.


"Uy, MM."

"Bakit Kyra?"

"Mag-ex ba sina Kuya Kean at Ma'am Alex?"

"Yan din actually ang tanong ko sa sarili ko."

"Di mo alam? Akala ko pa naman, close kayo ng mga kuya mo."

"Anubeh?! Tapos na nga ng college si Kuya Kean nang mapadpad ako sa kanila."

Hehe. Buddy's family background is kinda complicated so I'll just spare you the details.

"Ayon sa nasagap ko, pareho silang dito nag-highschool," ani Kyra na binuklat pa ang notebook nito. "Magkasing-edad din sila, di ba?"

"So, batchmates sila," I concluded. "Classmates din kaya sila?"

"Ahm, can I ask you a question?"

"Ano yun, Blet?"

"Why are you so interested in Sir Kean's and Ma'am Alex's 'past'?"

"Oo nga! Bakit kayo interesado? Nag-research pa talaga si Kyra."

"Di pa ba obvious, Eslove and Blet? Likas lang talagang tsismosa ang mga babaeng yan - Aray naman!"

Binatukan kasi ito ni Kyra.

"Mabuti pa, dun na lang tayo sa may puno ng mangga," suggestion agad ni Shey nang naramdaman namin ang tension sa pagitan nina Kyra at Yong.

"Walang susunod sa inyo!" Tiningnan pa nang masama ni Kyra ang mga lalaking nagtayuan din nang magtayuan kaming mga girls. "For girls lang 'to."

"Sino naman ang may trip sa aming sundan kayo?" naaasar na tanong ni Yong.

"Well, I have to. Because of MM."

Umugong tuloy ang tuksuhan.

"Oo nga naman!" sabi ni Eslove. "Kailangang sundan ng alipin ang kanyang mahal na prinsesa."

Talagang ipinagdiinan pa ang "mahal."

"Buhatin mo uli, DD!"

"Shaddap!"

"Shaddap shaddap ka pa diyan, namumula ka naman!"

"Uuuuuuuuuyyyyyyy! Nagdadalaga na siya!"

"Walang susunod na mga lalaki, ha!" sikmat ni MM sa mga lalaking nang-aasar. "Ang sumunod, lagot sa akin!"

"Napikon ka na naman diyan, Maya!"

Buddy just rolled her eyes and went to the mango tree without waiting for us.


Home
Previous
Next

4 comments:

  1. exciting... may mauungkat na pag-ibig ng nakaraan
    curious lahat angmagkaclasmate kaykean at alex

    lalong kapanapanabik ang next chappie ng ff m...
    i lab it

    -blue

    ReplyDelete
  2. hehe..adik lang sa kealex lolz :p

    ReplyDelete
  3. ayiieee!!hangkyut!!!uy mei mm and dd na,,, mei alex and kean pa!!! exciting!!

    ReplyDelete